haaaayy.. finally!! Para hindi ko na ikwento paulit-ulit.. eto na!! Straight from the source.. me!!
I'm here at Kaohsiung studying at National Sun Yat-sen University. Kakarating ko lang nung Sept. 6. Sandali pa lang pero ang dami ng nagyari! Sa NAIA pa nga lang, todo na ang happening. Bad trip talaga!! Yung hand carry ko okay naman yung weight niya pero yung dimension daw ng bag hindi kayang magfit sa compartment. Kaya tuloy napilitan ako icheck in yun. So ibig sabihin todo na yung excess weight ng checked in baggage ko kasi yung bag na ichecheck in ko, excess na ng 2 kilos. Kung hindi ko na kailangan icheck in handcarry ko, okay na sana at wala na akong babayaran. Kasi yung kasama ko excess siya ng 3 kilos pero pinabayaan na lang!
ARGH! Bad trip talaga kasi may mga nakita naman akong tao na may bag na katulad nung sa akin. Ang mas masakit pa nito, pagdating namin sa plane, hindi naman puno yung flight! Sobrang daming space at sobrang kasya yugn bag ko! WAAAH!!! Sayang din sa pera yun!
Akala ko pa naman magkaka-extra money ako.
Pagdating namin dito sa Kaohsiung Airport, walang tao!! Hehe. parang hindi airport eh. Tapos buti naman nagkita kami kaagad nung buddies namin. Nagtaxi kami pagkatapso papuntang school. Walang traffic dito! Grabe talaga.. Puro scooter, wala ngang parking for cars dito kaya mas convenient talaga ang scooter.
Nung dumating kami sa dorm, natuwA naman kami na may elevator. Baka kasi buhatin namin bags namin hanggang taas, pero buti second floor lang kami. Pero kawawa yung kasama namin kasi nasa 4th floor siya. Kung walang elevator, eh di lagot talaga. Hehe. Pero meron naman kaya okay na. Pagdating sa room, sobrang dumi and mainit. Kulob kasi sa room noon. Nagpahinga lang kami tapos nag grocery. Bumili muna kami ng mattress sa grocery sa baba. Tapos nun pumunta na talaga kami sa grpcery sa labas. Ang mahal kaya share kami sa ibang stuff.
After a disappointing dinner.. Haha.. Naglinis na kami ng dorm. GRABE TALAGA TO!!! Nagkasakit ako pagatapos nito dahil sa sobrang dusty ang room at siguro kasi nag-aadjust pa ako sa place. Pareho lang ang weather dito at sa Phil. MAINIT! Buti na lang may dala akong shorts kung hindi patay ako pag matutulog na. Paano ba naman, isa lang yung electric fan para sa aming apat. Hindi kami napunta sa aircon room eh. Pero may bumisita sa amin na mukhang school officials at sabi na kung gusto namin lagyan ng aircon yung room, palalagyan nila. Pero nung time na nagtanong siya, okay na kami at nasanay na. Hindi naman sobrang init eh. Basta maligo ka lang bago matulog okay na. Tapos tipid din kami eh kaya ayaw mag aircon. Babayaran mo kasi yung excess electricity sa allowed consumption mo.
Nakakatawa nung bumisita yung school officials (di ko sure kung ganon nga sila) Nasa room kami tapos naghahanda ako ng gamit kasi maglalaba ako. Tapos nakarinig ako ng boses ng mga lalaki sa corridor. Bawal yung lalaki sa dorm kaya na intriga naman kami. Tapos palabas na ako ng room dala ko yung lalabhan kong damit, detergent, at basin.. Naririnig ko na kumakatok sila sa room sa tapat namin. Pagbukas ko ng door, tumingin sila lahat sa akin. Mga 5 o 6 sila na Taiwanese. Pagkakita ko, sinara ko ulit ung pinto. Next thing you know, kumakatok na sa door namin at nagmamandarin na. Eh di binaba ko muna yung lalabhan ko kasi nakakahiya talaga. Ang sabog ko pa naman noon kasi kakagising ko lang. Nung nagkausap kami, ang bait nila kasi tinatanong nila kung okay kami.
Sobrang bait ng mga tao dito, minsan kaming 5 lang tapos kumakain kami kung saan. Tapos sobrang helpful talaga nila. Kung di nila alam kung anong isasagot, hahanap pa talaga sila ng makakatulong. May isa pa nga lang kaming bad experience. Nung nasa school kami, sa parang quad nila.. may cafe dun tapos may matandang babeng nakaupo. Medyo malapit kami sa kanya pero nandun kami sa gitna talaga. Wala na kami sa cafe, nandun na kami sa benches. Tapos napagkamalan na americans kami tpos sobrang weird talaga. Kung anu-ano pinagsasabi niya.. sabi niya:"You sick americans..you should wipe your feet...blah..blah..." Sobrang nakakatakot kaya umalis na kami. Pati yung kasama namin na taiwanese natakot na eh. Siya yung nagsabi na lumayo na kami. KAsi hindi naman namin pinapansin eh.
Sobra talaga yung sakit ko nung first few days, ngayon okay na ako kaya nagstart na rin ako mag enjoy. Daming adventure eh. nakapunta kami sa train station by just asking the locals. Pahirapan talaga kasi di sila magaling mag english. Pero sobrang bait nila..
next tym ulit!
| erica_luv ( |
Details.. details.. details
- Post a new comment
- 0 comments
- Post a new comment
- 0 comments